FPJ kikilalaning presidente ng Comelec

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na handa silang ibigay kay Fernando Poe Jr. ang titulong ‘Presidente ng Pilipinas.’

Ito’y sakaling mapatunayang ang yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino nga ang tunay na nagwagi sa 2004  presidential elections at hindi si dating pangulo at ngayong Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isang pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni James Jimenez, spokesman ng Comelec, na magkakaroon ng klaripikasyon sa sandaling mapatunayang si FPJ nga ang tunay na nanalo sa naturang halalan.

Kaugnay nito, hinimok ni Jimenez ang sinumang may  nalalaman hinggil sa mga dayaang naganap sa halalan na lumantad at ibunyag ang kanilang nalalaman upang lumitaw ang katotohanan.

Nilinaw din nito na sa ngayon ang kasong isinampa pa lamang kay Arroyo ay election sabotage hinggil sa  dayaan noong 2007 elections at wala pang naisasampang kaso na may kinalaman sa 2004 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply