Free parking sa senior citizens sa QC ipinatupad na

MALILIBRE na sa parking fee ang mga senior citizen sa Quezon City matapos na tuluyang ipatupad ang bagong ordinansa ng lungsod.

Batay sa ordinansang pinirmahan ni Mayor Herbert Bautista, libre ang unang apat na oras ng parking ng mga senior citizen sa mga establisimyentong mayroong parking fee gaya ng mga mall, restaurant at maging ospital.

Ayon pa sa ordinansa, dapat na maglaan ng 10 parking space para sa mga senior citizen sa bawat parking building ng establisimyento.

Para makalibre, kailangang ipakita ang senior citizen ID o iba pang dokumento tulad ng driver’s license at SSS card.

Maaaring makulong at pagmultahin ng hanggang P2,000 ang operator o may-ari ng establisimyento na lalabag sa nasabing ordinansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply