Fuel tanker ng Petron sinunog ng ‘NPA’ sa Bukidnon

Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang fuel tanker ng Petron sa Bukidnon makaraang harangin ng mga rebelde ang tanker.

Ayon kay Colonel Leopoldo Galon,tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command, hinarang ang tanker ng may 20 armadong rebelde habang binabaybay ang national highway sa Barangay Adtuyon, Pangantucan.

Wala namang nasaktan sa pag-atake at wala ring lamang gasolina ang sinunog na tanker na galing sa Cagayan de Oro patungo sanang Kalilangan.

Hinihinalang ang hindi pagbabayad ng revolutionary tax ng may-ari ang dahilan ng pag-atake.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply