Full medical report ni Ona sa kalagayan ni GMA handang ilabas ng DOJ

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Jusctice (DOJ) na handa nilang ilabas ang full medical report na ipinasa ni Health Secretary Enrique Ona sa ahensya ukol sa rekomendasyon nito na ibasura ang hiling na pagpapagamot ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, na ilalabas nila ang full medical report sa tamang panahon.

Ayon pa kay De Lima, maaaring magamit na depensa ang ulat ni Ona, sa Korte Suprema at patunayan na kayang magamot dito sa bansa si Gng. Arroyo.

Kahapon (Nobyembre 8), ibinasura ng DOJ ang hiling ng kampo ni Gng. Arroyo na makapagpagamot ito sa ibang bansa na ibinase ng ahensya sa pag-aaral ni Ona sa kalagayan ng mambabatas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply