Funelas sasagwan ng gold medal sa canoe-kayak racing

ANG PAGSIKWAT ng unang gold medal sa canoe-kayak racing ay nakasalalay kay muscle man Danny Funelas.

Ayon kay Canoe-Kayak Federation secretary-general Junne Go, si Funelas ang pinakamalaking pag-asa na masungkit ang gold medal sa nasabing event sa opening day sa Nobyembre 11 ng 26th Southeast Asian Games na gaganapin sa Jakarta, Indonesia.

Nakamit ni Funelas ang 7th place finish sa nakaraang Asian Championships sa Iran, inungasan ang 8th at 9th finishes ng Vietnam at Indonesia.

Sasagwan ang 23-anyos na si Funelas sa 1000-meter canoe-singles event sa Cipule Lake sa Purwakarta sa West Java.
Limang gold medals agad ang nakataya sa opening day.

Aarangkada din si Funelas sa 200-m canoe singles at sa canoe-double (1,000-m) at 200-m events ka-partner si Norwell Cajes.

Kasama rin ang kambal na sina Alex at Alvin Generalo at iba pang PHL bets sa canoe-kayak.

Susubok si Alex sa kayak-single (1,000-m) at K-2 (1,000-m) kasama ang kapatid.

Sasabak din si Alex sa kayak-single (200-m) bago samahan si Alvin sa k-2 (200-m).

Pinakamagandang SEAG output ng Pilipinas ay ang silver ni Jeremiah Tambor noong 2005 Manila edition.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply