‘Futbolilits’ huhubugin ng PFF

BALAK hubugin ng Philippine Football Federation (PFF) sa pamamagitan ng grassroots football program ang mga batang edad pito hanggang walo.

Ayon kay PFF president Mariano “Nonong” Araneta, nais nilang magkaroon ng pambato ang bansa sa gaganaping World Youth Championships sa 2019.

Magsasagawa rin ng event sa June 2012 ang PFF para makakuha ng mga mahuhusay na batang manlalaro.

Isang training center na rin sa Bukidnon ang inaayos, ayon kay Araneta.

Layon kasi ng PFF na maging Top 8 ang bansa sa Under-17 men’s football walong taon mula ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply