Gag order inilabas vs Bocayu

DAHIL sa magkakaibang bersyon kaugnay sa mugshot na lumbas sa website at internet, nagpalabas na ng gag order si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor Bartolome laban kay Southern Police District (SDP) Chief James Bucayu.

Ayon kay Bartolome, nagkaroon ng iba’t ibang opinion sina Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Jesse Robredo at SPD Chief Bucayu kung tunay o hindi ang mugshot ni Rep. Gloria Macapagal Arroyo na sanhi ng kalituhan sa publiko.

Sinabi ni Bucayu, hindi na siya maaaring magsalita pa at tanging si CIDG-NCR chief Sr.Supt. Joel Coronel na lamang ang inatasan ng pamunuan ng pambansang pulisya na magbigay ng pahayag sa media.

Matatandaan na pinatotohanan ni  Bucayu, na “authentic” ang mugshots ni Arroyo na lumabas sa isang pahayagan.

Pinanindigan ni Bucayu na totoo o hindi pineke ang naturang mga larawan, bagama’t nagtataka aniya sila kung paano nagkaroon ng kopya ng mugshots ang Philippine Daily Inquirer.

Sa magkahiwalay na opinion ipinahayag naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jose Robrero na hindi opisyal ang mugshot ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na lumabas sa isang pahayagan.

Ayon  kay Robredo, kung titignan mabuti ang mga larawan ay madaling masasabi kung peke ito o hindi.

Ayaw naman magsalita ni Robredo tungkol sa pinagkaiba ng totoong larawan at ang sinasabi niyang peke. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply