Ganda ng Ifugao Rice Terraces ibabalik ng DA

PANGUNGUNAHAN ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng paglalaan ng P30-million pondo ang pagpapaganda sa isa sa tourist spot sa bansa, ang Ifugao Rice Terraces para mapanatili ang pagkilala ng  UNESCO bilang ‘World Heritage’ site at isa sa mahalagang Agricultural Heritage Systems’ or GIAHS na idineklara ng UN Food and Agriculture Organization (FAO).

Ito ang napagkasunduan sa katatapos na pakikipapulong ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, noong November 25 sa Banaue hotel sa pagitan ng mga lokal at opisyal ng gobyerno kung saan inisyal na maglalagak ng P30M ang kanyang tanggapan, P10M mula sa DA National Irrigation Administration (NIA) na gagamitin sa pagsasaayos ng nasirang bahagi ng irrigation systems ng rice terraces sa Batad.

Habang ang nalalabing P20M na mula sa rice program ay gagastusin upang gumawa uli ng kahalintulad na rice terraces sa apat na iba pang lokasyon kabilang ang Banaue rice terraces na makikita sa Dianara Viewpoint, at tatlong iba pa rice terraces sa Mayoyao, Hapao at Kiangan.

“Kailangan nating lutasin ang problema ng rice terraces. Ito po ang utos ni Pangulong Aquino, kaya po ako nagpunta rito,” ayon kay  Secretary Alcala sa nasabing pulong.

Magdaragdag pa rin aniya ng P25 million pondo ang DA para naman sa pagpapatupad ng marami pang proyektong agrikultura para sa may 11 municipalidad at provincial government sa Ifugao.

Dahil dito, ayon na rin sa FAO GIAHS, napakahalaga aniya ng restoration ng rice terraces sa Ifugao dahil ito na lamang ang nalalabing mataas na bahagi ng taniman sa bundok sa bansa at ang kutura at sistema ng Ifugaos, sa pagtatanim ay katangi-tangi at napapanatili ang 2,000 taon ng organic paddy farming.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply