Garcia tiwala sa mga atleta sa SEAG

HINDI mahihirapan ang Pilipinas na humakot ng gold medal sa magaganap na 26th Southeast Asian Games sa Jakarat, Indonesia na uumpisahan sa Biyernes Nobyembre 11.

Ito’y matapos ang optimistikong pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia.

“It might not hard for us to achive the gold because they want to prove something.” wika ni Garcia sa PSA Forum na inisponsoran ng Smart, Pagcor, Outlast Battery at Shakey’s.

Tinatayang aabot sa 70 gold medal ang hahakutin ng mga atletang Pinoy na makikipagsabayan sa 10 bansang kalahok.

Inaasahang sa boxing, taekwondo, billiards, basketball, softball at baseball ang maaaring pagkunan ng maraming medalyang ginto.

Lumanding sa pang-limang puwesto ang Pilipinas sa 2009 SEA Games sa Laos matapos mag-uwi ng 124 na total medals, 38 ay gold, 35 naman ang silver at 51 ang bronze,

Sa athletics ang pinaka may maraming naiambag na medalya: pitong gold, tatlong silver at apat na bronze. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply