Gary Estrada bow sa talino at kabaitan ng asawang si Bernadette Allyson

SOBRA-SOBRA ang papuri ni Gary Estrada, nang nakausap namin sa presscon ng “Kokak,” sa babaing pinili niyang iharap sa dambana na si Bernadette Allyson.

Kaya one woman man siya ngayon ay dahil sobra ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Ani Gary: “Sa sobrang ganda, bait at talino ng asawa ko, wala na akong mahihiling pa sa kanya. Kaya naman matuwid din ang buhay ko ngayon. Iniisip ko lagi ang pamilya ko at ang mga constituents ko sa Quezon Province. Kahit board member lang ako sa Quezon Province, marami na rin akong napagagawang kalye at kalsada. Gusto ko talagang tapat na paglingkuran ang lalawigan kong pinagsisilbihan.”

Dahil sa pagiging public servant niya, laging priority sa schedule niya ang tungkol sa kanyang pagiging board member. Lagi siyang present sa session ng sangguniang panglalawigan.

“Hilig ko ang pag-aartista, passion kong umarte kaya hindi ko inaalis sa sistema ko ang pag-arte.” nakangiti niyang pahayag.

Sa Kokak, mabait na ama siya rito ng character ni Sarah Lahbati. Simula ang airing nito sa November 14.

000

Ervic Vijandre walang weather kay Marian Rivera!

PAGKATAPOS ni Rich Asuncion na ma-link kay Ervic Vijandre, tigil na muna ang love life ng young actor dahil ang iniisip niya’y ang kanyang career. Natutuwa siya sa Survivor Philippine Celebrity Edition dahil dito siya nagkapangalan last year at muntik na ngang manalo kundi siya naungusan ni Akihiro Sato, ang winner ng reality adventure show.

Aba, bukod sa Kokak, na role bilang kaibigan ni TJ Trinidad ang kanyang ginagampa- nan, may dalawang pelikula siyang ginagawa ngayon kung saan supporting role ang kanyang ginagampanan, ang Dead na Dead sa Iyo at ang filmfest entry sa December sa MMFF na bagong series ng “Shake, Rattle and Roll 15.”

Pero nang tanungin ng press kung sino ang gusto niyang maka-partner sa soap o pelikula kung bibigyan siya ng break, ang sabi niya’y sina Sarah Lahbati, Solenn Huessaff at Lovi Poe pero never niyang na-mention si Marian Rivera.

Bakit kaya? Tumawa lang si Ervic. “Basta, huwag na lang,” aniya.

000

KAGAGALING lang ni Bianca King sa Cambodia, kung saan gumawa na naman siya ng film assignments na project niya sa school.

Patapos na si Bianca ng kursong Filmmaking sa College of Saint Benilde. Dapat matapos na niya ang course dahil binibigyan lang sila sa school ng walong taon para tapusin ito.

Kung hindi nag-aartista si Bianca at regular student, kayang-kaya niyang tapusin ang kurso ng tatlong taon. Pero dahil busy siya sa showbiz, hindi fully loaded ang kanyang subjects tuwing semester.

Anyway, di kasama si Dennis Trillo nang pumunta si Bianca sa Cambodia kundi ang kanyang mga schoolmates. Group assignment kasi ito ng kanilang kurso.

Ganyan kadesidido si Bianca sa pag-aaral dahil ito ang hiling ng kanyang parents na kahit nag-aartista siya ay dapat makapagtapos siya sa kolehiyo.

Bakasyon sa taping si Bianca, hanggang guestings lang siya ngayon. Pero sa Enero, isang bagong afternoon soap ang kanyang gagawin. Nag-number one kasi ang “Sinner or Saint” nila ni Dennis na katatapos lang kamakailan.

Recently, napanood sina Bianca at Dennis bilang mag-partner muli sa Holloween special ng “Spooky Nights.”

000

PABORITONG ospital ni Melanie Marquez ang Dr. Fe Del Mundo Medical Center kung saan laging nanganganak ang dating beauty queen at actress dahil very reliable ito para sa kanya. On top of that, kaibigan niya ang may-ari ng ospital na si Dr. Del Mundo.

Magkakaroon nga pala ang Department of Pediatrics ng kanilang Post Graduate course, ang Changing Facets of Pediatrics Care Almost a Century Later.

Magaganap ang lectures sa November 23-24, 2011, sa Century Park Sheraton Hotel. Para sa nagnanais mag-participate na doctor, tumawag sa telephone number: 7120845.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply