Gas explo sa Recto Bank tuloy na – DoE

NILINAW ngayon ng Department of Energy (DoE) na hindi saklaw ng mga pinagtatalunang isla sa Spratlys ang lugar kung saan magkakaroon ng gas exploration.

Una kahapon, sinabi ng pangulo na mayroong American company na magsasagawa ng exploration sa hilagang bahagi ng bansa kung saan nakaimbak ang gas deposits na mas marami pa sa Malampaya gas plants.

Sinabi naman ngayon ni Energy Sec. Rene Almendras, hindi bahagi ng “disputed areas” ang Recto Bank dahil pag-aari talaga ito ng Pilipinas.

Ayon kay Almendras, tuloy sa susunod na taon ang nasabing gas exploration sa kabila ng pag-angkin din ng China sa Recto Bank na tinatawag nilang Reed Bank.

Sa hiwalay na panayam kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa Hawaii, sinabi nitong naninindigan silang ligal ang posisyon ng Pilipinas sa Recto Bank.

Wala umanong kuwestiyon na Pilipinas ang may-ari nito dahil 80 miles lamang ang layo nito sa Palawan at nakapalood sa 200-mile exclusive economic zone.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply