Gate ng tanggapan ng Ched sinira ng mga raliyista

BAHAGYANG nasira ang gate ng tanggapan ng Commision on Higher Education (Ched) sa C. P. Garcia St. sa Quezon City matapos na patuloy na yugyugin at kalampagin ito ng mga estudyante na lalong nagalit matapos na hagisan sila ng tear gas ng mga gwardiya ng komisyon.

Bukod dito ay nagkabatuhan rin ng bato ang magkabilang panig nang pilitin ng mga raliyista na makapasok sa loob ng tanggapan.

Ang protesta ay may kinalaman sa dalawang kurso ng Philippine Maritime Institute na BS Maritime Trasport at BS Maritime Engineering na ipinasara ng Ched.

Giit ng mga estudyante na nakapagbayad na sila bago pa ilabas ang desisyon na alisin ang dalawang kurso.

Nais ng mga nagpoprotesta na makausap ang mga opisyal ng komisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply