Gawi ang naging susi (2)

BAGAMA’T nahirapan si Ramon Padiernos dahil sa medyo conservative na kultura sa Singapore at minsan ring sumagi sa isip niya na baka hindi makaabot ang kanyang kakayahan sa istandard ng mga Pranses ay hindi iyon naging hadlang sa kanya upang maabot ang tagumpay, bagkus ay nagsilbing hamon iyon upang mas lalo niyang pagbutihin at patunayan ang kanyang kakayahan.

“I haven’t worked with a French company before and as he was saying this is the very first plant microelectronics plant outside of France, I have worries. But after that it just come to my mind that I am a Filipino and a Filipino is actually very good in resourcefulness, I believe that as long as the attitude becomes positive, instead of worries it becomes an excitement,” kwento niya.

Sa kasalukuyan ay si Ramon Padiernos ang nagha-handle at nagma-manage ng mga planta ng kompanyang Gemalto sa Singapore na isang microelectronic plant.

Sa kanyang husay at dedikasyon ay kanyang pinatunayan na tunay na ang mga Pinoy ay maituturing na henyo.

Isa siya sa mga naging utak sa likod ng tagumpay ng Singapore branch ng nasabing kompanya.

Passion, dedikasyon, tiyaga at positibong pananaw ang naging susi para kay Ramon upang maabot ang kanyang narating.

Naniniwala siya na ang lahat ay nakakamit sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at sa pagsisikap.

Nagsimula sa isang simpleng salita ng pagpayag ang tagumpay na tinatamasa ngayon ni Ramon.

Ang kanyang gawi o attitude ang naging pinto upang kanyang mapasok ang mundo ng katagumpayan na magpapakilala hindi lang sa kanyang husay bilang isang inhinyero kundi bilang isang Filipino.

“Don’t stop dreaming your dream because if you do have a passion, you don’t look at the work as just a group of people working together with problems and all that but you look at it as an opportunity for you to prove and to generate a value for both your company and to your people and to yourself as well,” pagtatapos ni Ramon.

Ang tagumpay ay ‘di lang ma-kakamit sa pamamagitan ng talino at galing, ito ay may kasamang tamang gawi, pananaw at puso.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply