Gawi ang naging susi

“IT’S about your own attitude that makes you successful.”

Mga katagang naiwan sa akin matapos kong kapanayamin ang Pinoy na si Ramon Padiernos, isang matagumpay na inhinyero sa Singapore.

Mula sa bayan ng Gapan sa Nueva Ecija ang pamilya ng mga Padiernos subalit lumaki ang batang si Ramon sa Las Piñas.

Nagtapos siya ng kursong Electronics and Communications Engineer sa FEATI University.

Samantala ang kanyang masters degree naman ay kanyang nakuha sa Uniber-sidad ng LOUIVE.

“University of LOUIVE is an American university part-ner with Singapore Institute,” aniya.

Taong 1992 nagsimulang magtrabaho sa Singapore si Ramon. Bagama’t mayroon siyang career dito sa Pilipinas ay kanya itong iniwan upang umukit at gumawa ng kanyang pangalan sa nasabing bansa.

Nakapasok siya sa isang kompanya na gumagawa ng microscopic chips na ginagamit ngayon sa mga makabagong teknolohiya gaya ng sim card at mga card na ginagamit ng mga bangko.

Hindi nagtagal ay isang oportunidad ang dumating kay Ramon.

“I was working in charter semi conductors. I used to attend several seminars talking about technology and I heard of a phone call that someone was interested in my service. And that was actually my boss- a French guy, a very nice guy and he asked just one thing. He said that he didn’t know about semi-conductor or micro-electronics and based on my record, he knew that I would be the one who can bring him out of his weakness. So he asked me if I was willing to embark a journey with him and I said yes,” salaysay ni Ramon.

Bagama’t nahirapan si Ramon dahil sa medyo conservative na kultura sa Singapore at minsan ring sumagi sa isip niya na baka hindi makaabot ang kanyang kakayahan sa istandard ng mga Pranses.

Ngunit hindi iyon naging hadlang sa kanya upang maabot ang tagumpay, bagkus ay nagsilbing hamon iyon upang mas lalo niyang pagbutihin at patunayan ang kanyang kakayahan. (Itutuloy)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply