Genelyn Magsaysay binista ang anak na si RJ Baustista

SA UNANG pagkakataon ay dinalaw ngayon ni Genelyn Magsaysay ang anak na si Ramon Joseph Bautista, ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen Revilla, sa Parañaque City Jail.

Hindi na galit at kalmado na ng humarap si Genelyn sa media at sinabi na mas komportable na ang anak sa Parañaque City Jail kaysa sa dating kulungan.

Nang tanungin ng media si Genelyn ukol sa pagbibigay ng deadline ng piskalya sa isa pang anak na si Ramona upang lumutang at magbigay ng pahayag, ay tumanngi na itong magbigay ng pahayag.

Kaugnay ng kaso, kinumpirma ngayon ng Parañaque Police na may lead na sila sa mga pinagtataguan ng iba pang suspek na sina Glaiza Vista, Norwin de la Cruz at alyas Bryan.

Nagbanta rin ang pulisya na kakasuhan ang mga sinumang kumakanlong sa mga pinaghahanap na suspek.

Samantala, nakatakdang basahan ng sakdal si RJ sa Nobyembre 16 habang si Ramona naman ay binigyan ng deadline para magpakita sa piskalya sa Nobyembre 18.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply