Genelyn nabawasan ng allowance nang magkasakit si Ramon Sr

INAMIN kanina sa interview ni Genelyn Magsaysay, ina ng pinatay na si Ramgen Revilla na lumiit ang allowance nila mula nang magkasakit si dating Sen. Ramon Revilla.

Mula raw nang maratay ang dating senador ay lumiit na ng lumiit ang kanilang sustengto.

Mula raw sa P1,000,000 ay naging P350,000 hanggang sa maging P150,000 na lamang.

Gayunman, itinanggi ito ni Sen, Bong Revilla at ng PR manager ni Bong na si Lolot Solis.

Pinilit umano ng mga Revilla na hindi maapektuhan ang kanilang mga kapatid kahit pa nang magkasakit na ang dating senador.

Naniniwala rin si Genelyn na hindi magagawa ng mga anak niyang sina Ramona at Ramon Joseph na ipapatay ang sarili nilang kapatid.

Ito na umano ang pinakamasamang nangyari sa kanyang buhay, lalo pa at namatay na nga ang kanyang anak na  panganay, sangkot pa ang pangalan ng dalawa niyang anak sa krimen.

Matatandaang umalis sa bansa si Ramona noong November 4 patungong Hong Kong, at pagkatapos ay tumuloy sa kanyang mister na nasa Turkey.

Nagalit si Bong sa ginawa ng kapatid at sinabing dapat ay i-turnover ito sa pulisya para masabi kung ano yung version niya sa nangyari.

Pero wala umanong magagawa si Genelyn sa desisyon ng anak dahil may asawa na ito at nakatira talaga sa Turkey.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply