Gentle Irony, Juggling Act mamumulot ng pera

LIBRE puro.

Ito ang karamihang sinasabi ng mga karerista kapag nakakakita sila ng patok na kabayo.

Muling masisilayan sa pista ang dalawa sa magagaling na imported horse sa bansa na sina Gentle Irony at Juggling Act.

Ipakikita nina Gentle Irony at Juggling Act ang kanilang tikas kontra walong stakes race campaigners sa gaganaping Amb. Eduardo M. Cojuangco, Jr. Cup sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite bukas (Nobyembre 20).

May distansyang 2,000 meter race ang tatakbuhin upang sungkitin ang tumataginting na P1.2M premyo para sa unang kabayong tatawid ng meta.

“Kahit one sided ang karera eh siguradong masarap pa rin panoorin ‘yan kasi makikita natin kung lalo bang gumaling sina Juggling Act at Gentle Irony,” wika ni Raymond Alcantara, karera runner. “Sa totoo lang mahirap silang (Juggling Act at Gentle Irony) talunin kaya d’yan talaga ako lalagay.”

Ang ibang kalahok ay sina Take me Tonight, Sun Tan Tony, Yangsta Gangsta, Kinford at couple entring sina Queen Starr at Righthererightnow.

Sina Gentle Irony at Juggling Act ay rerendahan nina reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Jessie Basilio Gucce at star jockey Jonathan Basco Hernandez.

May matatanggap din na P450,000 ang second placer habang P250,000 at P100,000 para sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi rin ng P60,000 ang breeder ng winning horse. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply