GF ni Ramgen Revilla ooperahan na bukas

OOPERAHAN na si Janelle Manahan, ang kasintahan ng pinaslang na aktor na si Ramgen Bautista.

Si Janelle ay may tama ng bala ng baril sa mukha at saksak sa dibdib noong gabi ng Oktubre 28, sa bahay ng mga Bautista sa BF Homes, Parañaque City at  kasalukuyang naka-confine sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa City.

Kasabay nito, binigyang diin ng pamilya Manahan na pursigido silang ituloy ang kaso laban sa mga tinuturong salarin.

Una nang sinampahan ng kasong murder at frustrated murder ang pitong suspek, kabilang sina Ramon Joseph at Ramona Bautista, ang mga kapatid ni Ramgen.

Humihiling naman ng suporta at panalangin ang pamilya Manahan para sa agarang recovery ni Janelle.

Lumalabas na kagabi lamang nalaman ni Janelle na patay na ang kanyang kasintahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply