GF ni Ramgen Revilla naretoke na ang mukha

NASA mabuting kalagayan na ang nobya ni Ramgen Revilla na si Janelle Manahan makaraang sumasailalim sa anim na oras na operasyon sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa kaninang umaga.

Ang pagretoke kay  Manahan ay upang maayos ang mukhang binaril na nagdulot ng apat na facial fractures sa dalaga.

Ayon kay kay Julius Manahan, ama ni Janelle, anim na doktor ang nagtulung-tulong upang muling maibalik sa dating ganda ang mukha ng kanyang anak.

Sinabi rin ni G. Manahan na mula nang dumating siya sa Maynila ay wala pa itong nakitang kamag-anak ni Revilla na bumisita sa ospital at pawang mga kamag-anak at kaibigan pa lamang ng anak ang nakitang dumalaw.

Tumanggi naman si G. Manahan na sabihin kung may natatanggap silang pinansyal na tulong mula sa pamilya Revilla.

Ayon sa ama, masigla naman ang anak kanina nang maka-usap ito bago ang operasyon bagama’t iyak daw ito ng iyak kagabi nang ipaalam ang sinapit ng kasintahan.

Alas-6:00 kaninang umaga dinala sa holding room si Manahan at dinala sa operating room bandang alas-7:00 ng umaga.

Kasalukuyang nagpapahinga sa kanyang silid si Janelle at malalaman ang resulta ng operayon pagkatapos ng ilang araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply