Giant sunfish nahuli sa Sarangani

NAHULI ng mga mangingisda ang isang higanteng sunfish o Mola-Mola na napadpad sa baybayin ng Barangay Tuyan, Malapatan Sarangani province.

Ayon sa mga residente ng lugar, ang isda ay kakaiba dahil sa tila ito ay puro ulo lamang at walang katawan.

Tinatayang may bigat na 400 kilo ang nahuling isda, may haba na dalawang metro at may taas na 1 at kalahating metro.

Nabatid na ito ang ikatlong pagkakataon na may napadpad na sunfish o Mola-Molang sa nabanggit na lugar.

Unang insidente kung kailan napadpad ang ganitong uri ng isda ay noong dekada ’90 na sinundan noong 2008.

Ang nasabing nahulin isda ay kinatay na ng mga residente dahil maaari umanong may sakit ito kaya lumapit sa may dalampasigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply