‘Ginigipit ang nanay ko’– Dato Arroyo

NAGLABAS na ng kanyang saloobin si Camarines Sur Congressman Dato Arroyo, anak ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa umano’y walang tigil na panggigipit ng kasalukuyang administrasyon sa kanyang ina.

Sa isinagawang presscon ni Dato sa labas ng St. Luke’s Hospital sa Taguig City, nahihirapan na umano ang kanilang pamilya sa walang tigil umanong paninira sa kanilang ina gayundin ang pagsampa ng kaso laban dito sa kabila umano ng pisikal na paghihirap nito dahil sa kanyang karamdaman.

Ayon pa kay Dato, inihalintulad pa nito sa mga propagandista ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng kung anu-anong anggulo para sa tunay na intensyon ng paglabas ng kanyang ina sa bansa habang ang kanilang pamilya ay nagpapa-schedule para sana sa pagpapagamot ng kanilang ina sa ibang bansa.

Ipinaliwanag pa ni Dato na pawang kasinungalingan umano ang mga pinapakawalang pahayag ng kasalukuyang administrasyon na gusting takasan ng kanyang ina ang mga kasong isinampa laban sa kanya gayundin ay pinasinungalingan nito na naghain na sila ng “asylum” sa ibayong dagat.

Ayon pa kay Dato, matapang ang kanyang ina at handa itong harapin ang lahat ng kaso na isinampa laban sa kanya ng gobyerno at ito na rin umano ang pagkakataon upang makasagot sa lahat ng paratang laban sa kanyang ina.

Iginiit pa ni Dato na kung gusto umanong umalis ng bansa ng kanyang ina ay dapat ay ginawa na niya ito noong pagbaba sa kanyang pwesto bilang Pangulo ng bansa.

Sinabi pa ni Dato na mabait at mapagmahal ang kanyang ina kung saan ay pinatunayan niya ito makaraang payagan umano niya ang dating pangulong Erap Estrada na makalipad ng ibang bansa para makapagpagamot at mapagbigyan din sa pamamagitan ng presidential pardon.

Samantala, aminado si Dato na nakararanas umano sila ng pangungutya partikular ang kanilang pamilya kaya’t humihiling sila sa publiko na ipagdasal sila lalo na para sa kanilang ina na tratuhin ng patas kasama ang presumption of innocence na nakasaad sa Saligang Batas kung saan ay sana ay isantabi muna umano ang pulitika at bigyan umano ng halaga ang mga proseso ng demokratikong institusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply