Giyera patani at Hacienda Luisita

NAKATUON ang pansin ng marami sa kung makakayanan ni PNoy na ipakulong si Gloripie at ang dyowa nitong si Big Mike.

May nakita na nga tayong nagpupustahan sa kara-krus kung magtatagumpay si PNoy laban kina Gloripie.

Kahit istayl Erap na lang daw ang mangyari, hapi na ang iba.

‘Yung makumbik sa pagkakasala si Gloripie, makulong saka patatawarin.

Kung pinatawad noon ni Gloripie si Erap kahit ipinakulong niya muna ito, ganundin ang inaasahan na gagawin ni PNoy.

Siyempre yung iba, Gloripie at FG pa rin.

oOo

Pero hindi riyan nakatuon ang ating nanlalabo nang mga mata.

Nanlalabo ang ating mga mata dahil tila hindi natin maaninag hanggang sa ngayon yung sinasabi nilang tuwid na landas.

Ang tuwid na landas kasi, Suki, sa pag-unawa natin ay magaan na pamumuhay ni Juan o buradong kahirapan.

Isang tanong: kung makulong ba sina Gloripie at Big Mike, makaaahon na ba si Juan sa hirap?

Ay dawt it beri big, Suki.

Sapagkat hindi lang korapsyon ang problema sa repablik ni Juan.

Por eksampol, korapsyon ba ang ugat at nagpapatakbo ng kontraktuwalisasyon, mahal na petrolyo, mahal na kuryente, mahal na toll, mahal na expanded value added tax, kawalan ng lupa ng mga magsasaka at iba pa?

oOo

Simple lang ang nasa isip natin, Suki, na palatandaan ng pagbabago.

Kung tutulong si PNoy sa pagbuwag sa Hacienda Luisita at ipamimigay na ito sa mga magsasaka gaya ng itinatadhana ng kasaysayan ng asyenda, lilinaw ang ating mga mata ukol sa tuwid na landas at pagbabago.

Kung hindi mangyayari ito, peke ang tuwid na landas at pagbabago.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply