Gloria ‘di na babalik

HINDI na babalik si Gloria Macapagal Arroyo sa Pilipinas kung sakaling payagan siya ng Supreme Court na maka abroad, yan ang pangamba ng marami.

Kung ako si Gloria, bakit naman ako babalik samantalang tiyak na akong ikukulong sa Women’s Correctional sa Mandaluyong?

Ano kayo, sinusuwerte?

Ngayong araw na ito babalik from abroad ang chief justice ng Supreme Court na itinalaga ni Gloria sa puwesto.

Panahon na ba ng bayaran ng utang ngayon?

Sa pagbabalik ni chief, malamang na ipawalangbisa ng hukuman ang hold departure order laban kay Gloria at Mike.

Sabi nga ni abogadong Estelito Mendoza, kung walang kaso sa korte ay walang dahilan upang hindi sila payagang makapag-abroad sa anomang dahilan, may sakit man o wala ang mga ito.

Kaya ang tanong ay eto: Bakit hindi pa idemanda ng administrasyon ni PNoy si Gloria at si Mike para matapos na ang usapang ito?

Baka naman nagmo-moro moro lang tayo rito?

At nakita ba ninyo ang larawan ni Gloria na akala mo ay nakasuot astronaut dahil sa sakit niya?

Kaawa-awa ang kanyang itsura.

Ito kaya ang picture na gagamitin ng Korte Suprema para payagan siyang makaalis ng Pilipinas?

Hindi natin malaman ang katotohanan. Tuwing may sikat na malapit nang ikulong, sila ay biglang nagkakasakit at biglang nagbibiyahe sa abroad.

Pag tahimik na ang kaso laban sa kanila ay biglang lumalakas at gumagaling. Ang galing nila, ano?

Si Norberto Gonzales, national security adviser ni Gloria, ay biglang nagkasakit nang imbestigahan siya ng Senado noong hindi pa President si PNoy.

Si Jocjoc Bolante ay bigla ring nagkasakit at sumibat patungo ng Amerika pero pinabalik ng Amerika dahil wala naman pala siyang US visa.

Nang hulihin siya ng Senado sa airport, bigla na namang may sakit si Jocjoc at isinugod sa St. Luke’s hospital.

Pero nang hindi na siya hinahanap ng Senado, bigla siyang lumakas at kumandidato pa raw for congressman.

Ganoon din naman si First Gentleman. Nang imbitahin si ginoong Mike ng Senado, nagkasakit din. Ganoon din naman ang mga opisyal ng armed forces.

Sila ay biglang nagkakasakit.

Pero ikaw na ordinaryong mamamayan, kung ikaw ay inakusahan sa husgado o kaya sa Senado sa salang ang katumbas ay pagkakakulong, may karapatan ba kayong magkasakit at magpagamot sa abroad?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply