GMA cell ininspeksyon ng Pasay judge

SINIMULAN na ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 sa pagsasagawa ng ocular inspection sa kulungan at ospital na paglilipatan kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Mula sa Pasay City RTC, unang sinuri ng korte ang Southern Police District (SPD) sa Taguig City habang susunod naman ang Veterans Memorial Hospital at Philippine Orthopedics Center.

Layunin ng korte na matiyak kung kumpleto sa mga pasilidad ang nasabing mga lugar na posibleng pagdalhan kay Mrs. Arroyo.

Kabilang sa mga nanguna sa nagpapatuloy na inspeksyon ay sina Judge Jesus Mupas at  clerk of court ng Pasay City RTC 112 na si Atty. Joel Felicano na sinamahan naman ng mobile ng Pasay City  PNP.

Nabatid na noong nakaraang linggo pa pinaghahandaan ng SPD ang kulungan ni Arroyo lalo na ang comfort room na gagamitin nito, aircondition at iba pang mga kagamitan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply