GMA, dating FG wala pang counter affidavit

HINDI pa makapaghahain ng counter affidavit sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo para sa reklamong electoral sabotage.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni G. Arroyo, hindi pa nila natatanggap ang mismong reklamong electoral sabotage ni Senador Koko Pimentel kaya hindi pa sila nakapaghanda ng counter affidavit para sa preliminary investigation sa Huwebes.

Nilinaw ni Topacio na subpoena pa lamang mula sa Department of Justice (DOJ) ang hawak nila  kaya hindi pa nila masasagot ang lahat ng mga reklamo.

Samantala, inihahanda na ng legal counsel ng dating Pangulo ang tugon sa mga subpoena ng joint special task force ng DOJ at Commission on Elections (Comelec) para sa kasong electoral sabotage.

“We are going to follow the procedures, unless we see that there’s a problem in the constitutionality of what we are being asked to do,” ayon kay Atty. Raul Lambino

Sinabi ni Lambino na may ilang mga dokumentong hindi naisama sa subpoena na ibinigay sa kanila na dapat isinasama.

“I don’t know what kind of internal procedure the panel is following and why we are being required to appear to be furnished with the documents. We cannot file our counter-affidavit unless we have studied these documents,” ayon kay Lambino.

Aniya, nakasaad sa Saligang Batas na hindi kinakailangang dumalo mismo ni Gng. Arroyo sa preliminary investigation sa mga kasong inihain laban sa kanya.

“Probably, we will just send one of our lawyers to make the appearance. We still have to discuss our next moves,” pahayag ni Lambino.

Gaganapin sa ika-3 ng Nobyembre ang clarificatory hearing para sa preliminary investigation.

Magkahiwalay na inihain ng joint DOJ-Comelec panel at ni Sen. Pimentel ang dalawang subpoena laban kay Gng. Arroyo.

Haharapin ng staff ni Gng. Arroyo sa House of Representatives ang mga abogado ng DOJ.

Samantala, naglabas na rin ng mga subpoena para sa dating FG, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, at 40 iba pang dating mga opisyal na dawit umano sa poll fraud noong 2007.

Kahit hindi nakasama sa preliminary investigation, kinakailangan pa ring harapin ni G. Arroyo ang subpoena na inihain ni Pimentel laban sa kanya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply