GMA, dehydrated at anorexic na – Doktor

BUKOD sa nagkaroon na ng sakit na anorexia, dehydrated na rin si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ayon kay Dr. Juliet Gopez-Cervantes, attending physician ng ka-hospital arrest sa kasalukuyan.

Ayon kay Cervantes, resulta ito ng kawalan ng ganang kumain ni GMA simula noong nakaraang araw.

Lalo pa aniyang tumamlay ang dating pangulo nang hindi matuloy ang kanyang biyahe abroad para magpagamot noong Nobyembre 15 dahil sa pagharang ng Department of Justice.

Bagamat sinabi ng doktor na hindi nakapangangamba ang kalagayan ni GMA, nangangamba naman ito na baka lalong lumala ang sakit nito sa cervical spine dahil sa tumutubong buto bunsod ng paghina ng katawan nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply