GMA di magmamakaawa kay PNoy– Horn

HINDING-HINDI magmamakaawa kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para payagan siyang makapagpagamot sa ibang bansa.

Tahasang sinabi ngayon ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ng dating Pangulo na hindi na kailangan pang magmakaawa kay Pangulong Aquino na payagan ang hiling nito gayung higit aniyang nakasalalay dito ang kalusugan ng dating Pangulong Arroyo.

Gayunman, umaasa pa rin aniya silang hindi na humantong sa pagmamakaawa kay Pangulong Aquino ang kanilang apela upang makapagpagamot ito sa ibang bansa.

Hinamon pa ni Bautista-Horn na patunayan ngayon ng administrasyon ang pinapairal na demokrasya sa bansa.

Dapat aniyang pangunahing kunsiderasyon dito ang lumalalang kondisyon ni Arroyo na hanggang ngayon aniya ay hindi pa nakakapagpakonsulta sa mga eksperto.

Kinumpirma rin ni Bautista-Horn na nasa 25 na gamot ang iniinom ni Arroyo kada araw bukod pa aniya dito ang hormonal injection para sa kanyang parathyroid glands na binibili sa ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply