GMA di nakakuha ng suporta sa CHR

WALANG suportang natanggap mula sa Commission on Human Rights (CHR) si Pampanga Rep. Gloria Arroyo kahit iginigiit ng kanyang kampong nalabag ang kanyang karapatang pantao.

Ayon kay CHR chief Loretta Étta¨Rosales, may mga reklamo rin ng paglabag sa karapatang pantao si Gng. Arroyo na mas matindi pa sa pagharang sa airport.

Gayunman, sinabi ng mga abugado ng dating Pangulo na hindi karapatang pantao ni Mrs. Arroyo ang kwestyon dito kundi ang karapatan ng lahat ng tao.

Agad naman itong binara ng militanteng grupo na Akbayan, dahil wala umanong karapatan si Gng. Arroto at mga kutsaba nitong magsalita tungkol sa karapatang pantao dahil daan-daang pagpatay, pagkawala at iba pang paglabag sa karapatang pantao ang naganap sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Hindi umano dapat makatakas si Arroyo upang hindi siya gayahin ng iba pang nakalabag ng karapatan ng iba.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Walden Bello, atat na atat ang mga Arroyo na umalis sa bansa kaya nagbayad agad ng dalawang-milyon pisong cash bond matapos ilabas ng Supreme Court ang Temporary Restraining Order (TRO).

Hindi umano matatakot ng ganito ang mga Arroyo kung wala silang itinatago.

Kung makatatakas umano si Arroyo sa bansa, walang dapat managot dito kundi ang administrasyong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply