GMA di pinayagan na magpagamot abroad ni De Lima

HINDI pinayagan ni Justice Secretary Leila de Lima ang hiling ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria-Macapagal Arroyo na makapagpagamot sa ibang bansa.

Ito ang inanunsyo ngayon ng kalihim.

Ang desisyon na ito ni De Lima ay ibinase sa pag-aaral na isinagawa ni Health Secretary Enrique Ona ukol sa kalagayan ng mambabatas.

Ayon kay Ona, pagaling na si Pangulong Arroyo sa kanyang karamdaman.

Gayunman, hindi pa umano pinal ang desisyon na ito ni De Lima.

Aniya, maaari pang umapela ang kampo ni Ginang Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply