GMA docs ‘di na igigisa sa Senado

HINDI na ipatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga doktor ng St. Luke’s Medical Center sa isasagawang imbestigasyon sa malawakang dayaan noong 2004 at 2007 national election na gaganapin sa Martes.

Inihayag ito nitong Sabado ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng komite matapos magkasundo ang lupon na sapat na at nakontento sila sa testimonya ng mga doktor ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Pasay Regional Trial Court.

“The doctors’ statement has clearly established the true and accurate medical condition of Mrs. Arroyo. Dr. Mario Ver, her Orthopedic Spine Surgeon, has testified that she is physically fit to be treated as an out-patient,” ayon kay Guingona.

“Kaya nagdesisyon ang komite na huwag nang imbitahan ang mga naturang doktor,” patapos ni Guingona. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply