GMA duda sa rekomendasyon ni Ona sa DOJ

DUDA si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung ang tunay na pinagbasehan ng Department of Justice (DOJ) ay ang rekomendasyon ni Health Secretary Enrique Ona.

Dahil dito, hihingi ang kampo ni GMA sa DOJ ng kopya ng medical assessment ng Department of Health (DOH) kaugnay sa kalagayan ng dating Pangulo.

Sinabi ni Len Bautista-Horn, chief of staff at tagapagsalita ni Gng Arroyo, na ang desisyon ng DOJ ay taliwas sa naunang pagtiyak ni Ona nang dalawin niya ang dating Pangulo sa bahay nito sa La Vista na nagsabing agad niyang ire-rekomenda na pagayang magpakunsulta sa mga eksperto sa abroad si Arroyo matapos na makita ang sitwasyon nito.

Si Ona ay naunang dumalaw noong Oktubre 28 sa dating Pangulo sa bahay nito sa La Vista Quezon City kung saan nakita nito ang halos tatlong kilong bakal na nakaka-kabit sa balikat at ulo ni GMA.

Kasabay nito, umapela si Horn sa Malakanyang na huwag haluan ng pulitika ang usaping ito dahil nalalagay aniya sa balag ng alanganin ang buhay ni Gng. Arroyo at labis na itong nahihirapan sa mahigit tatlong kilong braces na nakakabit sa katawan sa loob ng 24-oras.

Isa sa mga kaalyado ni Arroyo sa Kamara na si Maguindanao Rep. Simeon Datumanong ay nagsabing nilabag ng DOJ ang Konstitutsyon nang pigilan ang dating Pangulo na makapagpakonsulta sa ibang bansa.

“Under the Constitution the right to travel cannot be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health. The request of RGMA to travel for urgently need ed medical treatment does not involve national security, public safety or public health hence the denial thereof by Sec. De Lima violated the Constitution,” paliwanag ni Datumanong.

Ngunit taliwas naman dito ang naging reaksyon ni Gabriela Rep. Luz Ilagan sa pagsasabing “it may not sit well with allies of GMA. It may not be popular but it is legal.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply