GMA hinarang ng BI, balik-ospital na lang

BALIK-PAGAMUTAN na lang si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo makaraang hindi payagan ng Bureu of Immigration na makaalis ng bansa at harangin ang kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport ngayong gabi.

Una nang sinabi ng legal spokesperson ni Arroyo na si Atty. Raul Lambino na nag-standby lang ang ambulansya ng St. Luke’s kaya mabilis nilang maibabalik ng ospital si GMA.

Kinumpirma naman ni dating First Gentleman Mike Arroyo na didiretso nga sila sa nasabing ospital.

Galit din si Mike Arroyo sa ginagawa sa kanila ng administrayon.

Ayon kay FG,  sobra-sobrang panggigipit na ang ginagawa sa kanilang pamilya.

Mas masahol pa aniya sa Martial Law ang ginagawa sa kanila gayong alam naman daw ng mga ito na may sakit ang kanyang misis.

Tinukoy ng dating Unang Ginoo na sina Pangulong Benigno Aquino III at Justice Sec. Leila de Lima ang pangunahing namemersonal sa kanila.

Giit pa ni Ginoong Arroyo, walang written order na ipinakita sa kanila ang Bureau of Immigration nang pigilan silang makasakay ng eroplano kanina sa NAIA Terminal I kundi ang direktang utos lang mula kay De Lima na hindi hayaang makalabas ng bansa ang mag-asawang Arroyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply