GMA hindi dapat ikulong agad– Sen. Santiago

IGINIIT ngayon ni Senator Mariam Defensor Santiago na hindi dapat agad ikulong si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nahaharap sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Santiago, hindi automatic na dapat nang arestuhin at ikulong si Ginang Arroyo dahil walang piyansa ang kaso nito.

Ipinaliwanag ni Santiago na alinsunod sa batas ay kailangan pa rin na patunayan ng prosecution na malakas ang evidence of guilt para sa paglalabas ng warrant of arrest sa isang kinasuhan.

Dagdag pa ni Santiago na kung makita ng korte na mahina ang evidence of guilt ay maaring ipag-utos ng hukom na palayain si Arroyo habang nililitis ang kanyang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply