GMA hindi maaaring piliting magretiro

HINDI maaaring pilitin ng sinuman na magretiro o bumaba sa puwesto si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo dahil hinalal ito ng kanyang mga kababayan.

Ito ang naging pahayag ni Senador Serge Osmena, matapos manawagan ang ilang kongresista na nagpapababa sa puwesto kay Arroyo dahil hindi maganda ang kalusugan nito at sa mga kinakaharap na kasong electoral sabotage sa Pasay City RTC.

Ayon sa senador, maaari lang magretiro si Arroyo bilang kongresista sa sandaling ito’y mahatulan na ng korte sa kasong kinakaharap nito.

“I think we should also learn to respect the process that has been mandated in our various law,”  ani Osmena.

Inihalimbawa ni Osmena si dating Congressman Romeo Jalosjos nang mahatulan ng korte, nagpatuloy pa rin ang pagiging mambabatas nito hangga’t magdesisyon na ang Korte Suprema na bitiwan na ang posiyon bilang congressman.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang mga constituent lamang ni Arroyo ang maaaring humiling na magbitiw siya sa pwesto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply