GMA hindi pa maayos ang kondisyon

HINDI pa maayos ang kondisyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang inihayag ni Ma. Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni GMA, matapos matuklasan ang pamamaga sa malaking bituka nito.

Dahil dito, sinabi ni Horn na kailangan pa ng limang araw na gamutan para kay Ginang Arroyo.

Kasabay nito, muli nilang iaapela sa korte na manatili na lamang ito sa ospital o hospital arrest para mabantayan ang panibagong nararamdaman ni Ginang Arroyo.

Una nang sinang-ayunan ng Palasyo na i-detine na lang sa isang government hospital si Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mahalagang mabigyan ng seguridad at mabantayan ng mga awtoridad ang dating Pangulo na nahaharap sa kasong electoral sabotage. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply