GMA huwag bigyan ng special treatment

HINDI dapat bigyan ng special treatment si dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Panawagan ng ilang mambabatas sa Kamara na huwag bigyan ng administrasyong Aquino ng special treatment ang nahaharap ngayon sa electoral sabotage case na si GMA.

Paliwanang nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares na ang korte ang dapat na magdesisyon kung isasailalim sa house o hospital arrest si ginang Arroyo.

Reaksyon ito ng Bayan Muna sa kahilingan ng kampo ni Arroyo na i-house arrest na lamang ang dating pangulo.

Tutol ang dalawang mambabatas sa Kongreso dahil marami anilang nabilanggo na may malubhang karamdaman ang hindi nakakaranas ng special treatment at mismong sa kulungan na lamang ginagamot.

Ikinumpara pa nina Casiño at Colmenares na dapat sumunod sa proseso si Arroyo dahil maging ang dating Presidente Joseph Estrada ay dumaan din sa ganung paraan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply