GMA dapat sumailalim sa bone biopsy

DAPAT na umanong sumailalim si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa bone biopsy sa abroad upang gumaling ang rare bone disorder nito.

Ang bone biopsy ay inihayag  ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez na isa sa kilalang kaalyado ni Ginang Arroyo.

Ayon kay Suarez, kasama sa medical abstract ng St. Lukes Medical Center ang rekomendasyon na kailangang sumailalim si Ginang Arroyo sa bone biopsy.

Sinabi ni Suarez na sa pamamagitan ng pagsasailalim sa bone biopsy, madedetermina kung magagamot ang dating Pangulo sa pamamagitan ng stem cell treatment (SCT), gaya ng isinagawa sa asawa nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo sa Germany noong Setyembre.

Kinumpirma naman ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na inaprubahan na ang travel authority ni GMA.

Tatlong travel pass para kay GMA ang nilagdaan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at maliban sa pagpapagamot sa Germany ay pupunta rin ang dating Pangulo sa New York para sa isang forum.

Inamin ni Belmonte na sila mismo ang humikayat kay Arroyo na magpagamot na sa ibang bansa upang tuluyan na itong gumaling. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply