GMA kasuhan, basahan na ng sakdal – Tañada

HINAMON ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. Erin Tañada ang Department of Justice na kasuhan at basahan na ng sakdal si dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay upang mapayagan na rin itong makaalis ng bansa dahil kung ngayon aniya siya papayagan na hindi pa nababasahan ng sakdal ay babagal lalo ang hustisya bagama’t wala aniyang katiyakan kung tutupad si GMA sa pangako na babalik siya sa Pilipinas matapos  makapagpagamot sa ibang bansa.

“I urge the DOJ to quickly charge her and have her arraigned. After she is arraigned, she can be allowed to leave.  If we would recall, President Estrada was allowed to leave to have his surgery in Hongkong but he was already arraigned by then,” paliwanag ni Tanada.

Kasabay nito ay nagpahayag ng pagsuporta si Tañada sa naging desisyon ni Pangulong Aquino na huwag nang payagang makaalis ng bansa si GMA.

Naunang binigo ni Justice Secretary Leila de Lima ang kahilingan ni GMA na makapagpagamot sa ibang bansa dahil sa paiba-ibang bansang pupuntahan at rekomendasyon na rin diumano ni Health Secretary Enrique Ona.

Nagpahayag din si Tañada ng pagka-inip sa mabagal na imbestigasyon sa kaso ni GMA na isinasangkot sa diumano’y dayaan noong 2004 at 2007 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply