GMA kasuhan na agad ng kriminal – Solons

WALA nang ibang magagawa ang administrasyong Aquino kundi sampahan kaagad ng kasong kriminal ang mag-asawang Arroyo upang mapigilan silang takasan ang patong-patong na kasong kinahaharap sa Department of Justice (DOJ).

Ganito ang pananaw ng halos ilang senador matapos batikusin ang kabagalan ni Justice Secretary Leila de Lima sa pag-iimbestiga sa kasong nakabinbin sa kanyang tanggapan matapos ibasura ng Supreme Court ang DOJ Circular No. 41 na nagbabawal sa mag-asawang Arroyo na bumiyahe sa abroad.

Sa magkakahiwalay na interview, mahigpit na sinuportahan nina Senador Francis Escudero, Franklin Drilon, Panfilo Lacson, Joker Arroyo, Miriam Defensor-Santiago at Vicente Sotto III ang desisyon ng Supreme Court na payagang makabiyahe sa abroad si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang magpagamot.

Ngunit, dismayado naman sina Sen. Jinggoy Estrada at Alan Peter Cayetano dahil baka gamitin ng mag-asawang Arroyo ang Temporary Restraining Order laban sa DOJ Circular No. 41 bilang pamamaraan na takasan ang paglilitis sa kinahaharap na kaso.

Kahit pabor siya sa desisyon ng SC, naniniwala naman si Drilon na itinulak lamang ni De Lima ang limitasyon ng kapangyarihan ng kalihim ng Department of Justice dahil aniya, “lahat ng abogado ay may kanya-kanyang interpretasyon sa batas.”

“The Supreme Court has put a stop authoritarian rule,” giit naman ni  Arroyo na biktima ng diktadurya ni Pangulong Marcos.

Bilang constitutional expert, sinabi naman ni Santiago na dapat pang pasalamatan ang SC sa kanilang desisyon dahil kinatigan ng korte ang pangunahing karapatan ng bawat mamamayan na bumiyahe alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Para naman kay Lacson, karapatan ng bawat mamamayan ang bumiyahe at hindi puwedeng gamitin ng DOJ ang Watch List Order na may epekto ng Hold Departure Order na tanging korte lamang ang puwedeng magbigay.

“DOJ should now immediately file the case. Masyado lang kasing mabagal ang DOJ.  And that was we are saying all along (to file case against Arroyo),” ayon naman kay Sotto.

Kahit pinaburan ang suhestiyon na magsampa kaagad ang kaso laban kay Mrs. Arroyo, sinabi naman nina Estrada at Cayetano na baka gamitin ng mga Arroyo ang TRO upang takasan lamang ang kasong kinahaharap nito sa DOJ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply