GMA kinasuhan na ng electoral sabotage

SINAMPAHAN na ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong election sabotage si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Pasay City Regional Trical Court (RTC) kaninang umaga.

Ang kaso na may kaugnayan sa umano’y naganap na dayaan noong 2007 elections.

Maliban kay Gng. Arroyo, kabilang sa mga kinasuhan ay sina Lintang Bedol at dating Maguindanao Gobernor Andal Ampatuan, Sr.

Ang kaso ay tinanggap ng Pasay City Clerk of Court Atty. Marivic Estafanie sa room 301 dakong 11:25 ng umaga.

Ang mga dokumento ay laban kay Ginang Arroyo at Ampatuan, Sr. ay iprinisinta sa Clerk of Court.

Ang pagsasampa ng kaso ay napagkasunduan ng Comelec sa ginanap na isang emergency en banc session ngayong Biyernes.

Magugunita na pitong Comelec commissioner ang bumoto at 5 ang sumang-ayon samantala 2 ang tumutol.

Nabatid na isusunod pa ng Comele ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Comelc Commissioner Benjamin Abalos, Sr.

Dahil naisampa na ang kaso, hiniling ng Comelec na maglabas ng agarang hold departure order (HDO) ang Pasay City RTC para hindi makalabas ng bansa si Gng. Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply