GMA kinasuhan ng sibil sa Maguindanao massacre

KINASUHAN ng sibil sa Quezon City Regional Trial Court ng ilang kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Kaninang alas-2:00 ng hapon nang ihain ang civil case for damages sa pangunguna ng abogado ng mga biktima na si Attorney Harry Roque.

Ayon kay Roque, bilang pangulo ng Pilipinas nang mangyari ang masaker noong Nobyembre 23, 2009 ay walang ginawang aksyon si Ginang Arroyo sa krimen.

Dumulog pa aniya ang dating pangulo sa pamilya Ampatuan sa pagbuo ng private army sa pamamagitan nang ipinalabas na Executive Order 546.

Hiniling sa korte ng 15 kaanak ng mga biktima ng masaker na utusan si Ginang Arroyo na magbayad sa bawat isa sa kanila ng P500, 000 para sa moral damages at P500, 000 para naman sa exemplary damages.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply