GMA maaaring magpiyansa – Lagman

NANINIWALA ang mga kaalyado ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maaari siyang mag-piyansa sa hinaharap na kasong electoral sabotage.

Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, mahina at sabi-sabi lang ang ebidensya laban kay Arroyo.

Iginiit din niyang maaari naman ang house o hospital arrest kapalit ng prison confinement tulad ng ginawa sa ilang kilalang world leaders kabilang sina Ahmed Ben Bella, dating pangulo ng Algeria; Jorge Videla, dating presidente ng Argentina; at Aung San Suu Kyi, ang pro-democracy lider ng Myanmar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply