GMA makakalabas na ng bansa

MAAARI ng umalis anumang oras si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang makapagpagamot sa ibang bansa.

Ito ay matapos makapagpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order sa petisyong inihain ng kampo ni GMA na kumukuwestyon sa legalidad ng watchlist order na inisyu ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales na dahil sa TRO sa petisyon ay wala ng haharang sa pag-alis ni GMA dahil wala naman aniyang naiisyung hold departure order ang korte dahil wala pa namang kasong naisasampa laban sa dating Pangulo.

Sa ngayon aniya ay maaaring ang kasunod na aksyon ng Solicitor General ay maghain ng motion for reconsideration sa SC.

Babala pa ni Gonzales na maaaring malagay sa balag ng alanganin ang gobyernong Aquino kung ipipilit nila ang pagpigil kay GMA sa kabila ng desisyong ito ng SC.

Bukod sa maaaring maharap sa contempt of court ay maaaring umani ng batikos ang  administrasyong Aquino mula sa international community dahil sa karapatan na ni Arroyo ang nalalabag ng Malakanyang.

Naunang naglabas ng en banc decision ang Korte Suprema sa botong 8-5 pabor kay sa dating Pangulo.

Kasabay nito ay dinepensahan ni Gonzales si Justice Secretary Leila de Lima mula sa mga negatibong komento laban sa kalihim na diumano’y halatang may ambisyong kumandidato sa 2013.

Paliwanag ng mambabatas na hindi maiiwasang lapitan si De Lima ng media dahil karamihan ng mga hawak nito ay mga  “high profile cases.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply