GMA mananatili muna sa ospital

MANANATILI sa ospital ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos ipagpaliban ang pagdinig ng Pasay RTC sa isyu kung ililipat na ito sa isang ordinaryong piitan o kailangang manatili sa St. Lukes Hospital para magpagamot.

Ayon sa clerk of court ng Pasay RTC, sa Biyernes (Nobyembre 25) muling didinggin ang nasabing isyu at doo’y pagpapasyahan ni Judge Mupas kung ano ang mabuti sa kapakanan at bilang respeto sa kalagayang pangkalusugan ng dating Pangulo.

Aalamin ng korte sa mga attending doctors ng dating Pangulo ang tunay na kalagayan nito at kung maaari na itong lumabas ng ospital.

Dahil sa naganap na pagpapaliban ng pagdinig, dismayado ang mga militanteng grupo na naghihintay sa labas ng Hall of Justice ng Pasay City kayat’t nagkaroon ng komosyon ng tangkang pasukin ng mga miyembro ng grupong Bayan Muna at League of Filipino Students ang Pasay RTC upang magprotesta sa inaakala nilang pagpapalawig ng korte na manatili ang dating Pangulo sa magarang ospital kaysa mapiit sa isang ordinaryong piitan.

Maingat ang korte sa paglalabas ng desisyon upang di maakusahan ng “railroading” sa kaso ng dating Pangulo at ang pagpapatagal nito ay magreresulta sa akusasyong pumapanig sa mga akusado. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply