GMA may death threat

HIHIGPITAN pa ang pagbabantay kay dating Pangulong Gloria Arroyo na naka-hospital arrest ngayon makaraang makatanggap ng report na may banta sa buhay nito.

Ani Elena Bautista-Horn, mismong taga-loob ng Aquino administration na may malasakit kay Congresswoman Arroyo ang nagbigay ng nasabing babala.

Ang death threat ay tinaguriang ‘OPLAN: Put the Little Girl to Sleep’ na ikinabahala naman ng kampo ng mga Arroyo lalo at reliable source ang nagbigay ng impormasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply