GMA na-high blood, pag-alis ng bansa target bukas

TUMAAS ang blood pressure (BP) ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagala-Arroyo na nag-udyok upang biglang kanselahin ang kaniyang biyahe ngayong araw patungong Singapore.

Sa ipinadalang text message ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Gng Arroyo na hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa umano bumabalik sa normal ang presyon ng dugo ng dating Pangulo.

“Former president GMA will not leave for Singapore today (Wednesday). She has decided to rest since her blood pressure elevated and  has not normalized yet up to this time.”

Sa halip ay aalis si GMA bukas subalit walang binanggit na oras si Horn. “She will leave for Singapore tomorrow (Thursday),” sinabi pa ni Horn sa isang text message.

Pinayuhan ng mga doktor si Gng. Arroyo na magpahinga matapos ang anila ay “stressful incident” kagabi sa NAIA.

Una rito. sinabi ni Horn na ngayong araw ay muling tatangkain ng kanilang kampo na makapagbiyahe si GMA patungong Singapore.

Ang dating Pangulo aniya ay may confirmed appointment bukas (Huwebes) ng alas-12:15 ng tanghali at bago sana ito suriin, ani Horn na sana ay makapagpahinga muna si Gng. Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply