GMA nagsalita ukol sa kalagayan niya

BINASAG na rin sa wakas ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pananahimik at nagsalita na tungkol sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

Ayon sa mambabatas, nanumbalik na naman ang pamamanhid ng kanyang mga daliri at paninigas ng leeg na dati niyang naramdaman bago ang operasyon ng kanyang gulugod.

Sinabi pa ni Arroyo, na ang mga ito ay sintomas ng sakit niyang hypo-parathyroidism.

Aniya, hindi siya gagaling kung hindi ito pagtutuunan ng pansin at kung walang gagawing atensyong medikal.

Nabubulunan umano siya sa tuwing umiinom ng maliit na gamot o sumubo ng konting pagkain.

Inihayag niya na 25 hanggang 30 tableta ang iniinom niyang gamot ngunit nakaka-15 pa lamang siya, busog na busog at pagod na dahil sa dami ng tubig na kanyang naiinom para lunukin ang bawat gamot.

Iginiit rin ng mambabatas na may ‘rare metabolic mineral bone disease’ siya ngunit walang makapagsabi kung gaano ito ka-kakaiba.

Base pa sa kanya, ngayon dapat ay may konsultasyon siya sa doktor sa Singapore at maliban pa dito ang konsultasyon sa mga doktor sa Alecante, Spain sa Nobyembre 14.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply