GMA nairita sa paglabas ng mugshot sa publiko

LALONG na-stress si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos malamang kumalat na sa publiko partikular sa mga social networking sites ang kopya ng kanyang mugshot.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, abogado ni Ginang Arroyo, inihayag nito ang saloobin.

“How can they do this to me? Sinabi na walang lalabas,” sinabi umano ng dating Pangulo.

Nauna nang hiniling ng kampo ng mga Arroyo na huwag isapubliko ang mugshots ng dating pangulo dahil makakasira umano ito sa imahe niya bilang dating lider.

Ang nasabing mugshots ay naunang kumalat sa internet bago ilathala ng Philippine Daily Inquirer.

Gayunman, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Director General Nicanor Bartolome at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na peke ang larawang ito, sa kabila ng pagkukumpirma ng Southern Police District (SPD)  na ito nga ang mugshots ng dating pangulo.

Samantala, pinaiimbestigahan na ng pulisya kung papaano kumalat ang mugshots ni Ginang Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply