GMA nakahanap ng kakampi sa Senado

NAKAHANAP ng kakampi si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa katauhan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Ito’y matapos kwestyunin ni Santiago ang pagpigil ng administrasyon sa hiling ng mga Arroyo na makapagpagamot ito sa ibang bansa.

Ayon sa senadora, karapatan ng sinumang indibidwal ang lumabas ng bansa dahil ito ang naka paloob sa Saligang Batas kaugnay sa malayang paglalakbay.

Maaari lamang pigilan ang isang tao na makapagbyahe kung ito ay makakaapekto na sa national security, public safety at public health.

Matatandaang ganito rin ang naging reaksyon nina Sen. Franklin Drilon, Sen. Chiz Escudero at Sen. Edgardo Angara at sinabing tila nagigipit na ng Aquino administration ang mga Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply