GMA panakip-butas sa kapalpakan ni PNoy

NAGTAGUMPAY ang administrasyong Aquino na pagtakpan ang mga kapalpakan ng gobyerno nang palutangin ang mala-kidlat na paghahain ng kaso laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria macapagal-Arroyo.

Sa lingguhang press conference ng oposisyon, sinabi ni Deputy Minority Leader Danilo Suarez na naging matagumpay ang ginawang cover-up ng Aquino administration upang mapagtakpan ang kanilang kakulangan sa bansa.

Ayon kay Suarez, hayag sa publiko ang pagiging panakip-butas ni Ginang Arroyo sa mga kapalpakan ni Pangulong Benigno Aquino III nang sa ganon ay sumentro ang atensyon ng taumbayan sa dating Pangulo at hindi mapansin na maramin ang hindi nagawa ng gobyerno.

Kabilang dito ayon kay Suarez ay ang paglobo ng bilang ng mga nagugutom, bagsak na ekonomiya, kawalan ng mga investors at negosyo, paglala ng kahirapan, patuloy na pagtaas ng mga bilihin, mataas na singil sa kuryente gayundin sa mga produktong petrolyo.

Kung mapapansin aniya, walang malaki o mahalagang proyekto ang ginawa ng pamahalaang Aquino.

Para naman kay Asst. Deputy Minority Leader Mitos Magsaysay, sinabi niyang bukod sa mapaghiganti ang gobyerno ay agad itong gumagawa ng aksyon masunod lamang at umayon sa kanila ang pagkakataon kahit sansalain pa ang Konstitusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply